i connect showbiz

Thursday, March 5, 2009

Angel Locsin: Only you and ASAP


Excited na si Angel Locsin sa sisimulang bagong teleserye na Only You with Sam Milby and Diether Ocampo.


Nag-enroll pa ang aktres sa isang cooking lesson bilang paghahanda sa role as an aspiring chef.

Isa pang ikina-e-excite ni Angel ay sa Korea pa kukunan ang ilang mga eksena ng naturang serye. Naka-schedule umalis ang grupo sa March 11.

Bago pala napagdesisyunang pagsamahin ang tatlo, nagkaroon daw muna ng audio-visual presentation na ipinakita sa mga bossing ng ABS-CBN to see kung may chemistry sina Sam, Angel at Diet.

At natuwa naman ang mga bossing nang makitang bagay na bagay ang tatlong lead cast. Malakas daw ang chemistry ni Angel kay Sam, gayundin kay Diet.

Samantala, sa Sunday, kung hindi na naman mababago ang plano, baka matuloy na ang launching ni Angel sa ASAP ’09, na matatandaang kung ilang beses ding na-delay.

Annabelle's side


SA press conference naman ni Annabelle Rama, galit niyang sinabi na nagsisinu-ngaling si Wilma Galvante sa mga ipinahayag nito sa press.

At marami raw siyang ibubulgar tungkol sa mga ‘baho’ ni Ms. Galvante soon.

Ipinagkibit-balikat din lang ni Annabelle ang nakarating sa kanyang report na hindi siya papapasukin sa opisina ng GMA-7 kung wala siyang approved appointment sa sinumang taong nais niyang makausap sa loob ng Kapuso network.

“Eh, ano kung hindi nila ako papasukin sa GMA-7? Kapitbahay ko lang sina Atty. Gozon at araw-araw ay puwede kaming magkausap,” wika ni Annabelle.

Tungkol naman sa sinabi ni Ms. Galvante na one year extension ng contract ni JC sa GMA-7, sinabi ni Ms. Rama na hindi totoo ‘yon. At patutunayan daw nila na walang ganu’ng provision pag-expire ng kontrata ni JC sa March 14.

“Ito ang sasabihin ko pa sa inyo (press people), pagkatapos ng March 14, lilipat na si JC sa kabilang network (ABS-CBN),” mariing tinuran ni Annabelle.

Wilma's Side


SA presscon pa rin ni Ms. Galvante, pinipilit nitong pigilin ang galit sa dibdib dahil sa diumano’y pang-aalipusta sa kanya ni Annabelle na lumabas sa mga pahayagan. Pero umalpas pa rin ang nasa dibdib ng GMA-7 executive.

Ibinulalas ni Ms. Wilma Galvante sa press ang ilang pang-aalipusta raw sa kanya ni Annabelle sa pama-magitan ng text tulad ng “Traydor ka (Wilma).” “Sinisira mo (Wilma) ako sa mga alaga ko.” At kung anu-ano pa raw na hindi masisikmurang mga mura.

Ikinuwento pa ni Ms. Galvante sa press na kinausap siya ni FLG (Atty. Felipe L. Gozon, Chairman/President/CEO ng GMA-7) at sinabihan siya ng: “You should defend yourself, but do not go down to her (Annabelle) level.”

“You go by the book. Implement the contract. It should be the network that must prevail,” wika pa raw ni FLG kay Ms. Galvante.

Kaya ang gagawin daw ni Ms. Galvante, ii-impose talaga niya ngayon ang kontrata kay JC.

“Although magi-expire na sa March 14 ang kontrata ni JC sa GMA-7, mayroong provision sa contract na magi-extend siya ng isang taon sa amin (GMA-7). Ngayon kung ayaw niyang gumawa ng show sa amin, bahala na riyan ang lawyers ng GMA,” saad ni Ms. Galvante.

By the way ang papalit sa role ni JC sa Obra na tinanggihan ni Ms. Rama ay si Jeff Eigenmann.

Sa tanong kung maaapektuhan ba ng away nila ni Annabelle si Richard Gutierrez, napangiti lang si Ms. Galvante sabay sabing: “Richard’s contract with us is until 2010.”

Annabelle Rama Vs Wilma Galvante: Monster Mom Vs Monster Monster


NAGIGING kasing init na ng summer ang away nina Annabelle Rama at GMA-7 executive Wilma Galvante.

Kahapon ng tanghali ay halos sabay na nagpa-press conference ang dalawa. Si Ms. Galvante, ang calltime ng presscon ay 12 noon, sa 17th floor ng GMA-7 ginanap. Samantalang ang kay Ms. Rama ay sa Max’s restaurant Roces Ave, QC, 1 pm. naman nangyari.

Lumabas na kamakailan sa mga pahayagan ang ikinuwento ni Ms. Galvante tungkol sa pinag-ugatan ng ‘away’ ulit nila ni Ms. Rama. Ipinagdiinan pa rin ni Ms. Galvante na hindi nila hinila si JC de Vera papasok sa kanyang office at hinaras-harass sa loob tulad ng ipinapahayag daw sa media at press ni Annabelle.

“Nakita ko siyang umiiyak sa labas ng office ko kaya pinapasok ko siya at tinanong kung ano ang nangyari,” wika ni Ms. Galvante sa interview.

Kaya raw umiiyak si JC, kasi sa story conference ng Obra ay nalaman daw ng actor na na-pull-out siya sa cast. Dahil daw ‘yon sa utos ni Ms. Rama.

Totoong ipina-pull out ni Annabelle si JC sa gagawing bagong soap ng Kapuso network na Obra. Bilang manager ni JC, hindi nito nagustuhan na kontrabida ang gagampanang role sa show ng alaga, dahil ang talagang magiging bida raw ay si Marvin Agustin.

“Pero hindi supporting role ang gagampanan ni JC sa Obra,” salag ni Ms. Galvante. “Siya talaga ang bida. The truth is Annabelle does not like Marvin to be with JC in the soap.”

Ayaw daw ni Annabelle na maging ‘ka-love team’ ni JC si Marvin, dagdag ni Wilma.

Wednesday, March 4, 2009

Only you: Update



WITHIN THE NEXT two weeks, tutungo na sa Korea ang grupo nina Angel Locsin, Sam Milby at Diether Ocampo para kunan ang bagong teleseryeng pagsasamahan nila.


This simply confirms Diet's stay with the Kapamilya network, lalo pa't naintriga na siya dati na nagparamdam sa Kapuso network. Siniguro raw ng mga nagpapatakbo ng karir ng binata (‘di ba annulled na siya kay Kristine Hermosa?) na bida at hindi lang basta dekorasyon ang isa sa mga orig na Hunks.


Ito naman ‘yung ikalawang teleserye ni Angel Locsin (na ang husay sa MMK last Saturday) simula nang lumipat siya sa ABS-CBN at dream come true nga niyang makatambal ang dalawang poging aktor na ngayon lang niya rin makakasama.


Only You ang title ng nasabing serye at sisiguraduhin daw ng pamunuan ng produksiyon na isa ito sa mga magiging 'most beautiful' series ng nasabing network.

Poll: Who's a better Cosmo cover girl?





ANGEL LOCSIN


OR




MARIAN RIVERA


VOTE NOW!

Bagong teleserye ni Marian semplang sa rating

KATULAD nga ng ina-asahan namin, ngayong parang spaghetting pababa nang pababa ang ratings ng kanyang TV series, gagawa na naman ng panibagong gimik si Marian Rivera para ma-katawag nang pansin sa publiko.

Pero, sa palagay na-min, nagkamali na naman siya sa pagsusuot ng bikini para sa pictorial sa isang magazine.

Iyan ang madalas na-ming sinasabi.

Basta ang artista -- babae o lalaki -- ay naghubad na sa photos, pelikula o TV soap, iba na magiging image niya.

Sino ba ang mga artistang naghubad no-on na luminis pa ang image ngayon?

Pagkatapos nila ng isang paghuhubad, ang inaasahan sa kanila ay mas magpapakita pa ng laman, hanggang uma-bot sila sa pagbo-bold.

Sa kaso ni Marian, dahil nagpakita na siya ng “laman,” ang image niya ay hindi na talaga pang-general patronage. At ito ang nagpapababa sa ratings ng kasalukuyang show niya dahil limitado na ang kanyang audience.



-------------------------------------------------------------------------

SPOT THE DIFFERENCE:



MARCH 2008 COSMOPOLITAN MAGAZINE COVER



MARCH 2009 COSMOPOLITAN MAGAZINE COVER