Nakausap namin ang nanay ni Valerie Concepcion, si Mommy Mayet, kahapon at naikuwento niyang naayos na ang gusot sa pagitan nina Val at Pokwang last Tuesday.
Matatandaang nang araw na ’yon ay lumabas dito sa People’s Tonight ang tungkol sa rift nina Pokwang at Val.
Ayon sa column item na isinulat ni Ogie Diaz, may nakarinig daw sa young actress nang mag-react sa paghu-host nina Poky at Chokoleit sa isang segment ng Wowowee.
Ang dialogue raw ni Valerie habang nanonood sa monitor, “ay ba’t ganu’n, dapat sa segment na ’yan, may puso.”
Wala raw kamalay-malay si Val na ang kaswal na opinyon niyang ’yon ay nakarating kay Poky, na ikinasama naman ng loob ng komedyana.
Nang mabasa raw ni Val dito sa People’s Tonight ang item tungkol sa kanila, doon lang niya nalaman na may tampo si Pokwang. Kaya raw pala cold ito sa kanya nitong mga nakaraang araw.
Para kay Val, it was a harmless comment at wala siyang intensyong laitin ang istilo nina Poky at Chokoleit sa pagho-host. In fact, she just blurted it out in a casual manner na parang wala lang, dahil close naman niya ang mga ito, partikular na nga kay Pokwang.
That Tuesday din, to clear things out ay nagkaroon ng closed- door meeting ang co-hosts pagkatapos ng show. Ipinaliwanag ni Val ang panig kay Pokwang at nag-sorry din siya sa komedyana.
Naintindihan naman daw ni Pokwang ang paliwanag ni Val at napagkasunduang next time, kapag may gustong iparating ang bawat isa, direktang sabihin sa taong concerned dahil nagiging iba nga naman ang dating kung nagpapasalin-salin ang kuwento.
Wednesday, March 4, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment