Tuesday, March 3, 2009

ONLY YOU REMAKE




Ano nga ba ang susunod na teleserye ni Angel Locsin sa Kapamilya?
Dapat gagawin niya ang teleserye na kung saan ay kailangan niyang magpaputol ng hair. Ang teleseryeng ito ay may unang titulong 'Buhay ng Buhay Ko' pero naging 'Para Sa 'Yo' (yung kanta ni Willie Revillame). Makakasama niya dapat dito sina Diether Ocampo at Sam Milby. Pero ang teleseryeng ito ay di muna itutuloy.

Huwag kayong mag-alala dahil makakasama pa rin ni Angel sina Diet at Sam sa isang teleserye at ito ay ang Philippine adaptation ng hit Korean Drama series na 'Only You'. Matatandaan na ipinalabas ito sa Kapamilya few years ago, kung saan ang theme song nito ay kinanta ni Sam Milby. Ang istorya nito, ayon sa aking pagkakaalala, ay tungkol sa isang babaeng magaling magluto na pumunta ng Italy, kung saan nakilala niya ang isang lalakeng hinahanap ang kanyang ina. Sa di inaasahan ay may nangyari sa kanila nung guy hanggang sa mabuntis siya. Ngunit sa pagkakaalam ko ang mga ilang eksena sa teleseryeng ito ay kukuhanan sa South Korea. Mga Filipino at Korean foods ang lulutuin dito ng bidang babae.

Gaya ng susunod na teleserye ni Anne Curtis na 'The Wedding' , hindi ito magtatagal sa ere. May nakatakda pang isang teleseryeng gagawin si Angel at maari ito yung teleseryeng dapat sana ay gagawin niya. Gusto kasi ng Kapamilya executives ay magpahinga muna siya sa drama bago talaga siya isalang sa mga heavy drama. Kung iisipin ito ang kauna-unahang teleserye ni Angel, na siya ang bida, na normal siyang tao, as in hindi nagiging hayop o may kapangyarihan. Si Diether Ocampo naman ay nakatakda ding gumawa ng isa pang teleserye ngayong 2009 at ito ay ang Philippine adaptation ng hit Mexican drama series na 'Rubi' na pagbibidahan ni Angelica Panganiban.

No comments:

Post a Comment