Thursday, March 5, 2009

Annabelle's side


SA press conference naman ni Annabelle Rama, galit niyang sinabi na nagsisinu-ngaling si Wilma Galvante sa mga ipinahayag nito sa press.

At marami raw siyang ibubulgar tungkol sa mga ‘baho’ ni Ms. Galvante soon.

Ipinagkibit-balikat din lang ni Annabelle ang nakarating sa kanyang report na hindi siya papapasukin sa opisina ng GMA-7 kung wala siyang approved appointment sa sinumang taong nais niyang makausap sa loob ng Kapuso network.

“Eh, ano kung hindi nila ako papasukin sa GMA-7? Kapitbahay ko lang sina Atty. Gozon at araw-araw ay puwede kaming magkausap,” wika ni Annabelle.

Tungkol naman sa sinabi ni Ms. Galvante na one year extension ng contract ni JC sa GMA-7, sinabi ni Ms. Rama na hindi totoo ‘yon. At patutunayan daw nila na walang ganu’ng provision pag-expire ng kontrata ni JC sa March 14.

“Ito ang sasabihin ko pa sa inyo (press people), pagkatapos ng March 14, lilipat na si JC sa kabilang network (ABS-CBN),” mariing tinuran ni Annabelle.

No comments:

Post a Comment