Hindi n’yo ba napapansin, parang iisang landas ang tinatahak nina Regine Velasquez at Sarah Geronimo?
Pareho silang nagsimula sa pagsali sa mga singing contests, palagi rin silang nananalo. Dito sila nahasa ng husto sa pagkanta.
Pareho silang kinilala bilang mahusay na manganganta pero nang i-try nila ang pag-arte sa pelikula ay pareho rin silang nag-excel.
Mukhang tinalbugan pa ng You Changed My Life ang record na itinala ng A Very Special Love. Ibig sabihin, box office queen muli si Sarah next year?
After John Lloyd Cruz, kanino kaya susunod na ipapareha si Sarah? Kay Piolo Pascual ba? Sino man ang mapili, magiging malaking asset nila si Sarah. At maraming pang-leading man ang Dos, hindi mauubusan si Sarah.
No comments:
Post a Comment