Wednesday, March 4, 2009
Only you: Update
WITHIN THE NEXT two weeks, tutungo na sa Korea ang grupo nina Angel Locsin, Sam Milby at Diether Ocampo para kunan ang bagong teleseryeng pagsasamahan nila.
This simply confirms Diet's stay with the Kapamilya network, lalo pa't naintriga na siya dati na nagparamdam sa Kapuso network. Siniguro raw ng mga nagpapatakbo ng karir ng binata (‘di ba annulled na siya kay Kristine Hermosa?) na bida at hindi lang basta dekorasyon ang isa sa mga orig na Hunks.
Ito naman ‘yung ikalawang teleserye ni Angel Locsin (na ang husay sa MMK last Saturday) simula nang lumipat siya sa ABS-CBN at dream come true nga niyang makatambal ang dalawang poging aktor na ngayon lang niya rin makakasama.
Only You ang title ng nasabing serye at sisiguraduhin daw ng pamunuan ng produksiyon na isa ito sa mga magiging 'most beautiful' series ng nasabing network.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment