Thursday, March 5, 2009

Annabelle Rama Vs Wilma Galvante: Monster Mom Vs Monster Monster


NAGIGING kasing init na ng summer ang away nina Annabelle Rama at GMA-7 executive Wilma Galvante.

Kahapon ng tanghali ay halos sabay na nagpa-press conference ang dalawa. Si Ms. Galvante, ang calltime ng presscon ay 12 noon, sa 17th floor ng GMA-7 ginanap. Samantalang ang kay Ms. Rama ay sa Max’s restaurant Roces Ave, QC, 1 pm. naman nangyari.

Lumabas na kamakailan sa mga pahayagan ang ikinuwento ni Ms. Galvante tungkol sa pinag-ugatan ng ‘away’ ulit nila ni Ms. Rama. Ipinagdiinan pa rin ni Ms. Galvante na hindi nila hinila si JC de Vera papasok sa kanyang office at hinaras-harass sa loob tulad ng ipinapahayag daw sa media at press ni Annabelle.

“Nakita ko siyang umiiyak sa labas ng office ko kaya pinapasok ko siya at tinanong kung ano ang nangyari,” wika ni Ms. Galvante sa interview.

Kaya raw umiiyak si JC, kasi sa story conference ng Obra ay nalaman daw ng actor na na-pull-out siya sa cast. Dahil daw ‘yon sa utos ni Ms. Rama.

Totoong ipina-pull out ni Annabelle si JC sa gagawing bagong soap ng Kapuso network na Obra. Bilang manager ni JC, hindi nito nagustuhan na kontrabida ang gagampanang role sa show ng alaga, dahil ang talagang magiging bida raw ay si Marvin Agustin.

“Pero hindi supporting role ang gagampanan ni JC sa Obra,” salag ni Ms. Galvante. “Siya talaga ang bida. The truth is Annabelle does not like Marvin to be with JC in the soap.”

Ayaw daw ni Annabelle na maging ‘ka-love team’ ni JC si Marvin, dagdag ni Wilma.

No comments:

Post a Comment