Wednesday, March 4, 2009

BB may ka-date sa Bora


TUWING nakakasa kami ng interview kay Robin Padilla, lagi ka­ming pinagbilinang kung maari ay walang tanong tungkol kay Bebe Gandanghari, pero minsan ay nakakalusot kami.
Kahit ilang beses nang sinabi ni Robin na tanggap nila ang ginawa ni Rustom Padilla, naramdaman pa rin naming asiwa siyang pag-usapan ang tungkol sa kanyang kapatid.
As of presstime, hindi pa namin alam kung open si Robin na magbigay ng reaksyon sa mga sinabi ni Bebe sa autograph-signing ng S Magazine noong Linggo sa SM Megamall.
Mainit pa ring isyu si Bebe at napag-uusapan nang merong lalaking nali-link sa kanya.
Nagsalita rin doon si Bebe tungkol sa kagustuhan niyang magpakasal.
Kinunan kasi ito ng reaksyon sa sinabi ni Mommy Eva na huwag lang daw sanang dumating ang araw na kinatatakutan nito na may ipa­kilala nang boyfriend si Bebe.
“Akalain n’yong magwu-worry siya ng ganu’n about me! Ang mama ko talaga, masyadong wor­rier. Wala pa naman eh, so let’s not worry about it.
“I’m sure, gusto ko rin na may maghahatid sa akin sa dambana,” sabay bitaw ni Bebe ng napakalutong na halakhak.
Dagdag ni Bebe, “Sabi ko nga, nagbago lang sa akin ang itsura, pero hindi nagbabago ‘yung paniwala ko sa pag-ibig na pa­ngangailangan ng isang tao na may makasama habang buhay.”
Natatawa si Bebe sa mga pinagsasabi niya. Nagluluka-lukahan lang ba si Bebe?
May nakakita kay Bebe nang nasa Boracay ito kamakailan na may kasamang lalaki. Nabig­yan ito ng malisya dahil parang sweet sila at walang pakialam na tini­tingnan ng mga tao.
“Naku! Si ano ‘yan, si David Guerrero! Hahaha! Sinasabi ko sa iyo, hindi ako magdi-deny kung meron talaga. Seriously, may ginawa akong promo ad ng Kidlat Awards. Si David Guerrero is the president of the Creative Guild ng Advertising Agency, and siya ‘yung kasama ko sa Promo Ad na parang dini-date niya ako sa Boracay,” paliwanag ni Bebe.
Hindi raw kailangang lagyan ng malisya iyun dahil kung meron talaga, hindi niya ito itatago.
Sa ngayon, kahit may nagpaparamdam ay wala raw.
“Wala pa talaga, eh. Ayaw nga akong payagang makipag-date ng nanay ko, so, how’s that? Hahahaha!”
Malapit na raw simulan ni Bebe ang one-wo­man show niya at mukhang marami pa siyang gaga­wing kalokahan.

No comments:

Post a Comment