Wednesday, March 4, 2009

Raymond Gutierrez Kissing Carla Humphries



Nahuli ng video ng TV Patrol World si Raymond Gutierrez na pinupupog ng halik sa leeg at lips sa dance floor ang partner niyang si Carla Humpries sa katatapos lang na wakeboarding at water sports competition sa Camarines Sur.

Ang dami naming tanong na tinanggap. Lasing ba si Raymond, kaya malakas ang loob na halik-halikan ang kaibigan? O, sinadya ni Raymond ang eksenang ’yon to the delight of the tv crew?

Hindi namin alam kung ano’ng isasagot sa mga katanungan. May nag-text pa sa amin na kasama rin sa naturang event na may “karga” si Raymond that time.

Honestly, hindi namin alam kung ano ang ibig sabihin ng “may karga,” kaya itinanong namin sa aming friend. Nu’ng malaman namin, “Ah, okay. Baka naman hindi at lasing lang talaga?”

Hindi na namin masabi pa kung ano ang kahulugan ng “may karga,” pinili naming ’wag nang banggitin pa, dahil mas gusto naming marinig ang explanation ni Raymond.

Kung kilala namin si Tita Annabelle (Rama), tiyak na “nasabon” nito nang bonggang-bongga si Raymond, dahil siyempre, celebrity ka at hinahangaan pa bilang isang TV host, kaya dapat, marunong siyang kumontrol ng sarili at sitwasyon.

Gusto pa rin naming maniwalang nasobrahan lang sa inom si Raymond.

Saka, sensible ’yan ’pag nagbaba ng opinyon sa isang isyu sa Showbiz Central, kaya sana, hindi na maulit ang gano’ng eksena.

No comments:

Post a Comment