
SA presscon pa rin ni Ms. Galvante, pinipilit nitong pigilin ang galit sa dibdib dahil sa diumano’y pang-aalipusta sa kanya ni Annabelle na lumabas sa mga pahayagan. Pero umalpas pa rin ang nasa dibdib ng GMA-7 executive.
Ibinulalas ni Ms. Wilma Galvante sa press ang ilang pang-aalipusta raw sa kanya ni Annabelle sa pama-magitan ng text tulad ng “Traydor ka (Wilma).” “Sinisira mo (Wilma) ako sa mga alaga ko.” At kung anu-ano pa raw na hindi masisikmurang mga mura.
Ikinuwento pa ni Ms. Galvante sa press na kinausap siya ni FLG (Atty. Felipe L. Gozon, Chairman/President/CEO ng GMA-7) at sinabihan siya ng: “You should defend yourself, but do not go down to her (Annabelle) level.”
“You go by the book. Implement the contract. It should be the network that must prevail,” wika pa raw ni FLG kay Ms. Galvante.
Kaya ang gagawin daw ni Ms. Galvante, ii-impose talaga niya ngayon ang kontrata kay JC.
“Although magi-expire na sa March 14 ang kontrata ni JC sa GMA-7, mayroong provision sa contract na magi-extend siya ng isang taon sa amin (GMA-7). Ngayon kung ayaw niyang gumawa ng show sa amin, bahala na riyan ang lawyers ng GMA,” saad ni Ms. Galvante.
By the way ang papalit sa role ni JC sa Obra na tinanggihan ni Ms. Rama ay si Jeff Eigenmann.
Sa tanong kung maaapektuhan ba ng away nila ni Annabelle si Richard Gutierrez, napangiti lang si Ms. Galvante sabay sabing: “Richard’s contract with us is until 2010.”
No comments:
Post a Comment